Asus Zenfone 3 Max (ZC520TL) Review

Maraming tao ang naghahanap ng “all-in-one” phone na kaya makaadapt sa lahat ng ating pangangailangan. May mga taong gusto mabilis ang phone nila, na kayang makapaglaro ng kahit anong laro, mula sa light games hanggang heavy graphic games. Meron din namang laging on the go at laging kailangan ng mahabang battery life.

Kung ayan ang mga hinahanap mo sa phone, maaaring i consider ang unit na to, ang Zenfone 3 Max.

 

Heto ang specification ng Zenfone 3 Max ZC520TL ayon sa www.gsmarena.com

Paalala:

Ang phone na ito ay may mas malaking unit ngunit parehas ng tawag. Mangyaring dalhin ang mga phone kung nagnanais bumili ng bagong case ng sa gayon ay di magkamali.

specs

Heto ang itsura ng box ng Asus Zenfone 3 Max ZC520TL. Maaaring magkaiba ang itsura at disenyo ng harap ng box depende sa pinanggalingang bansa nito. Ang phone na ito ay diretsong inorder sa www.lazada.com.ph

IMG_1364

Eto ang mga mahahalagang nilalaman ng iyong phone.

  1. Power Adapter

2) USB Cable

3) Manual

4) Clip para mabuksan ang lagayan ng SIM at Memory Card

IMG_1363

 

Heto naman ang likuran ng box ng iyong phone. Makikita ang mga serial number at IMEI na syang pagkakakilanlan ng iyong phone.

IMG_1365

 

Naririto naman ang likuran ng phone. Ang nasa taas na box ay syang camera, sa gilid ay ang flash, at ang nasa baba naman ay ang fingerprint sensor. Uso na ngayon ang dagdag security feature na fingerprint sensor na unang nakita sa top calibre phones katulad ng iPhone at Samsung.

IMG_1358

Heto rin naman ang lagayan ng SIM card at Memory Card. Isang paalala, ang 2nd slot at pinaglalagakan ng SIM 2 o ang extrang memory card. Mangyaring mamili kung nais mong maglagay ng pangalawang sim o lagyan ito ng memory card.

IMG_1362

Eto naman ang mas malapitang kuha ng pindutan ng phone. Ito ay nasa kanang bahagi ng phone.

IMG_1359

 

Heto naman ang lagayan ng SIM at Memory Card. Hindi maaring maglagay ng pangalawang SIM card kung may nakalagay ng memory card.

IMG_1361

 

At heto naman ang itsura ng phone kapag naka lockscreen at Apps menu.

 

 

Sa aking palagay, mainam na eto na lang ang bilhin kesa sa mga mamahaling phone dahil halos ng kailangang parte ng phone ay mahahanap mo dito sa murang halaga. Ang haba ng consumo ng baterya ng phone neto ay impressive. Dagdag pa nito ay ang fingerprint scanner sa likuran. Ang di magandang napansin ko lamang ay mahirap abutin ang fingerprint scanner di katulad ng iPhone na nasa harapan nito.

 

Kung nais bumili, ito ay mahahanap sa lazada.com.ph

Advertisements

Romoss Sense 6P Review

Noong nakaraang buwan ay naisipan kong bumili ng powerbank dahil madalas ay nauubusan ako ng battery gamit ang aking iphone 6s na may 1715mAh na capacity. Hindi ako mahilig maglaro (sa katunayan ay wala akong laro sa cellphone) pero minsan ay nangangailangan akong ng mas mahabang battery life dahil sa mga di inaasahang party o salu-salo, mahabang tawag, paggamit ng Data service na mabilis umubos ng battery. Heto ang masasabi ko sa Powerbank na Romoss Sense 6P:

Manufacturer’s link

Tech Specs

SENSE 6P(20,000MAH) PREMIUM POWER

  • Charge Macbook Pro/Air with Type-C Port
  • Minimalist Design
  • Pure 20,000mAh
  • High End Lithium Polymer Cells
  • Digital LED Power Indicator
  • Scratch Resistant
  • Dual USB Port
  • Fast Speed Charging 2.1V

Source: http://www.romoss.com.sg/product/new-sense-6p/

 

 

 

 

 

harap at likod ng Romoss 6P Sense

 

 

 

 

 

 

 

Sa harap ay makikita ang LED indicator na nagsasabi kung ilan pa ang nalalabing charge ng powerbank. Kusa itong nawawala kapag walang nakakabit na gadget sa port. Ito naman ay nananatiling nakailaw kapag may nakakabit na isa o mahigit pang gadget. Maganda ang naisip nilang maglagay ng LED indicator dahil sa ibang powerbank ay manghuhula ka pa kung ilan na lang ang natitirang charge.

 

Ang powerbank na ito ang may dalawang USB port. Ang isang port ay fast charging na naglalayong mas mapabilis ang pagchacharge ng cellphone. Ang port na may dalawang logo ng Charge ay ang fast speed charging port.ang pinakamaliit na port ay para maicharge ang unit. Ang tagal ng pagchcharge ng powerbank ay dumedepende sa rating ng adapter. Ginamit ko ang power adapter ng iphone  6s ko at ito ay umaabot ng mahigit kumulang 12-13 hours mula 0%-5% hanggang 100%

 

Ang kapal ng powerbank na ito ay halos kasing lapad ng isang sabon na bareta o isang deck ng baraha habang ang haba ay maihahalintulad sa mga mahahabang pitaka.

 

Ang powerbank na ito ay kayang mag charge ng nasa 2.1A fast charge kung ang cable at adapter ay parehas compatible sa 2.1A. Sa gilid ng unit na ito ay makikita ang mga voltage at power output.

 

Kasama sa box ay ang isang USB cable para sa android. Mangyaring bumili ng ibang kable (lightning cable) kung ikaw ay gumagamit ng iphone.

 

Masasabi kong sulit ang pagbili ng unit na ito sapagkat napapanatili nyang charged ang aking phone sa limang araw na pagchacharge ko sa office. Iniiwan ko lang sya sa locker para kung sakaling maubos na ang battery ko ay di ko na kinakailangan na magdala ng charger at manatili sa isang sulok kung saan may power outlet. Ang pagkakagawa sa unit ay maganda, minimalistic at ang efficiency ng charging time at output ay masasabing nalalapit sa binanggit nilang 20,000mah.

Ang nasabing powerbank ay nagkakahalaga ng ₱800-1000 pesos. Ito ay mabibili ng napaka convenient sa www.lazada.com.ph

Kung interesado kang bumili ng powerbank na ito, mangyaring pindutin lamang ang link na ito.

 

Mabuhay!

Hello.  Ang blog na ito ay naglalaman ng sari saring impormasyon ukol sa mga latest trends, gadget reviews, kuro-kuro at opinyon hinggil sa napapanahong usapan. Ang mga nalalahad at mababanggit dito ay pawang aking mga opinyon lamang at kailanma’y hindi sumasalamin sa tao, bagay, o kahit anong pinatutungkulan ko. Salamat at mangyaring magbigay komento kung may nais mapabatid sa may akda.

Sadyang isinulat ang mga paksa dito sa wikang Filipino nang sa gayon ay madaling maunawaan at makatulong sa pangkaraniwang Pilipino. Mabuhay po tayo!