Romoss Sense 6P Review

Noong nakaraang buwan ay naisipan kong bumili ng powerbank dahil madalas ay nauubusan ako ng battery gamit ang aking iphone 6s na may 1715mAh na capacity. Hindi ako mahilig maglaro (sa katunayan ay wala akong laro sa cellphone) pero minsan ay nangangailangan akong ng mas mahabang battery life dahil sa mga di inaasahang party o salu-salo, mahabang tawag, paggamit ng Data service na mabilis umubos ng battery. Heto ang masasabi ko sa Powerbank na Romoss Sense 6P:

Manufacturer’s link

Tech Specs

SENSE 6P(20,000MAH) PREMIUM POWER

  • Charge Macbook Pro/Air with Type-C Port
  • Minimalist Design
  • Pure 20,000mAh
  • High End Lithium Polymer Cells
  • Digital LED Power Indicator
  • Scratch Resistant
  • Dual USB Port
  • Fast Speed Charging 2.1V

Source: http://www.romoss.com.sg/product/new-sense-6p/

 

 

 

 

 

harap at likod ng Romoss 6P Sense

 

 

 

 

 

 

 

Sa harap ay makikita ang LED indicator na nagsasabi kung ilan pa ang nalalabing charge ng powerbank. Kusa itong nawawala kapag walang nakakabit na gadget sa port. Ito naman ay nananatiling nakailaw kapag may nakakabit na isa o mahigit pang gadget. Maganda ang naisip nilang maglagay ng LED indicator dahil sa ibang powerbank ay manghuhula ka pa kung ilan na lang ang natitirang charge.

 

Ang powerbank na ito ang may dalawang USB port. Ang isang port ay fast charging na naglalayong mas mapabilis ang pagchacharge ng cellphone. Ang port na may dalawang logo ng Charge ay ang fast speed charging port.ang pinakamaliit na port ay para maicharge ang unit. Ang tagal ng pagchcharge ng powerbank ay dumedepende sa rating ng adapter. Ginamit ko ang power adapter ng iphone  6s ko at ito ay umaabot ng mahigit kumulang 12-13 hours mula 0%-5% hanggang 100%

 

Ang kapal ng powerbank na ito ay halos kasing lapad ng isang sabon na bareta o isang deck ng baraha habang ang haba ay maihahalintulad sa mga mahahabang pitaka.

 

Ang powerbank na ito ay kayang mag charge ng nasa 2.1A fast charge kung ang cable at adapter ay parehas compatible sa 2.1A. Sa gilid ng unit na ito ay makikita ang mga voltage at power output.

 

Kasama sa box ay ang isang USB cable para sa android. Mangyaring bumili ng ibang kable (lightning cable) kung ikaw ay gumagamit ng iphone.

 

Masasabi kong sulit ang pagbili ng unit na ito sapagkat napapanatili nyang charged ang aking phone sa limang araw na pagchacharge ko sa office. Iniiwan ko lang sya sa locker para kung sakaling maubos na ang battery ko ay di ko na kinakailangan na magdala ng charger at manatili sa isang sulok kung saan may power outlet. Ang pagkakagawa sa unit ay maganda, minimalistic at ang efficiency ng charging time at output ay masasabing nalalapit sa binanggit nilang 20,000mah.

Ang nasabing powerbank ay nagkakahalaga ng ₱800-1000 pesos. Ito ay mabibili ng napaka convenient sa www.lazada.com.ph

Kung interesado kang bumili ng powerbank na ito, mangyaring pindutin lamang ang link na ito.